Tensyon sa pagitan ng Taiwan at China, mas umiinit | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tensyon sa pagitan ng Taiwan at China, mas umiinit

Marie Yang | TFC News Taiwan
Published Aug 06, 2022 06:48 PM PHT

TAIWAN -- Pinangangambahan ng ilan ang pag-init ng tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.

“One country, two system” ang kasalukuyang status quo ng China at Taiwan. Ayon sa ilang taga-Taiwan, bagamat hindi opisyal na nagdedeklara ng independence, 'self-rule' ang estado ng Taiwan kaya nagdudulot ito ng tensyon sa China.

Lalong uminit ang tensyon sa pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi. Kinikilala ng US ang “One China Policy” pero nagpahayag siya ng suporta sa Taiwan sakaling lusubin ng China. May mga US at Chinese warships sa dagat na sakop ng China at Taiwan.

Dahil sa pagbisita ni Pelosi sa Taiwan, sinuspinde ng China ang pag-angkat ng Taiwan food brands. Mayroon ding cyber attacks sa government websites ng Taiwan.

ADVERTISEMENT
Nababahala tuloy ang mga Pinoy sa Taiwan. Ayon sa factory worker na si Kim, handa siyang umuwi ng Pilipinas anumang oras sakaling sumiklab ang gulo.

“Kung mangyari man yan dito sa Taiwan, syempre mas gugustuhin kong makasama ang pamilya ko kaysa makita nila ako at ano na nangyari sa akin,” sabi ni Kim.

Idinadaan naman sa panalangin ng Filipina-Taiwanese na si Edna Tsou ang lahat.

“Alam mo ba na kahit anong mag-isip tayo kung mangyayari, mangyayari. Ngayon ipagpaano na lang natin, ipaubaya sa Diyos kung saan He will be in control of everything,” sabi ni Edna.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag patungkol sa isyu ang Manila Economic and Cultural Office o MECO na nakabase sa Taiwan. Nauna na ring ipinahayag ng Malacañang na hinihintay nila ang hudyat mula sa Department of Foreign Affairs kaugnay sa isyu. Pinag-aaralan pa nila ang kanilang pahayag lalo na patungkol sa international relations.

Pero umaasa pa rin ang karamihan lalo na ang mga Pinoy na iiral pa rin ang kapayapaan sa pagitan ng magkabilang panig.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT