Singil sa school service problema ng ilang operators ngayong Agosto | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Singil sa school service problema ng ilang operators ngayong Agosto

ABS-CBN News
Published Aug 06, 2022 01:42 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MAYNILA — Hindi muna magsusundo ng mga estudyante ang ilang school service vehicles dahil umano sa problema sa presyuhan lalo't blended learning pa rin ang maraming eskuwelahan ngayong Agosto.

"'Yung ibang aming kasama, karamihan po ay tila hindi muna manunundo ngayong buwan na ito gawa po ng pasok namin ngayon ay blended pa rin two times a week ang pasok. So nagkakaroon po kami ng problema pagdating sa presyo," sabi ni Celso dela Paz, presidente ng Nagkakaisang Alyansa Samahan ng School Service sa Pilipinas, sa TeleRadyo ngayong Sabado.

Pinayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pababalik ng school transport services dahil maraming paaralan na ang magsasagawa ng face-to-face classes.

Pero sa Nobyembre pa inaasahan ang buong pagpapatupad ng pagbabalik-eskuwela.
Pero sa Nobyembre pa inaasahan ang buong pagpapatupad ng pagbabalik-eskuwela.
ADVERTISEMENT
Dahil hindi pa naman buong linggo may face-to-face classes ang mga estudyante ngayong buwan, may hirit aniya ang ilang magulang na babaan ang singil sa school service.

"Kung kami ang manunundo nang dalawang beses sa isang linggo lang, babawasan namin ang aming pamasahe o 'yung singil, e tila hindi po kami kikita para ipambayad sa aming mga driver at unang-una para sa pambili namin ng krudo," ani Dela Paz.

"Kapag [naman] ginawa naming per day [ang singil] hindi po sila sasakay."

—TeleRadyo, Agosto 6, 2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT