Rescuer tinangay sa flash flood kasama ang nirerescue sa Bukidnon | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Rescuer tinangay sa flash flood kasama ang nirerescue sa Bukidnon

ABS-CBN News
Published Aug 06, 2022 10:50 PM PHT
|
Updated Aug 07, 2022 03:03 AM PHT

Tinangay ng flash flood ang isang CDRMM rescuer kasama ang nire-rescue nito sa Valencia, Bukidnon, Biyernes ng gabi.

Sa video ni CDRRM Officer June Ray Valero, makikitang nakayakap sa kahoy ang isang 17-anyos na lalaki na unang natangay sa baha.

Ayon kay Valero, lumusong ang kanilang responder na si Kenneth Richards Cabaluna sa rumaragasang tubig, at napuntahan ang kinaroroonan ng biktima, habang tumutulong din ang ibang myembro ng CDRRMO.

Dahil sa lakas ng agos ng tubig, nabitiwan ni Cabaluna ang lubid kaya mahigpit na humawak ang responder sa kahoy kasama ang nirerescue nito.

ADVERTISEMENT
Ngunit natangay din sa baha si Cabaluna at ang sinasagip.

Isinagawa ang rescue operations sa loob ng dalawang oras bago natagpuang buhay ang dalawa.

Ayon kay Cabaluna, nanatili siyang kalmado habang tinatangay sa baha at pinipilit na mapadpad sa gilid upang may mahawakang kahoy.

"Malaki ang tulong sa aming mga trainings upang manatilig kalmado," ani Cabaluna.

Nailigtas din sa huli ni Cabaluna ang sarili at ang nirerescue nito.

Pinasalamatan ng Valencia LGU si Cabaluna dahil sa ipinakitang katapangan at kabayanihan.

Labinlimang barangay sa Valencia, Bukidnon ang nalubog sa baha Biyernes ng gabi dahil sa malakas na ulan. Wala namang naitalang namatay. - Ulat ni RC Dalaguit De Vela