Tulong sa mga manggagawa na bukod pa sa ayuda, isinusulong ng DOLE | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tulong sa mga manggagawa na bukod pa sa ayuda, isinusulong ng DOLE

Tulong sa mga manggagawa na bukod pa sa ayuda, isinusulong ng DOLE

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Bawas na naman ang trabaho at sahod ng electrician na si Ramil Gonzales at kahit unang araw pa lang ng 2 linggong enhanced community quarantine (ECQ), alam na niya na mamomroblema siya sa mga susunod na araw.

"Lingguhan kami eh... Pagkasahod pa lang wala, siyempre kakain ka, gagastos ka talaga, pamilya mo," aniya.

Inaasahang sa susunod na linggo masisimulan ang pamimigay ng P1,000 ayuda kada tao hanggang P4,000 kada pamilya.

Nasa P13 bilyon ang pondong ibinaba sa mga local government units para sa social amelioration program (SAP).

ADVERTISEMENT

Aminado naman si Labor Secretary Silvestre Bello III na posibleng hindi masakop ng SAP ang ilang manggagawa.

Dahil dito, nagbigay ang DOLE ng hiwalay na funding proposal sa Department of Budget and Management para sa P2 bilyong pondo ng COVID Adjustment Measures Program (CAMP).

Nasa P5,000 one-time cash assistance ang target ipamahagi sa 155,000 workers sa NCR, pati na sa mga manggagawa sa ibang rehiyon.

Kumpiyansa si Bello na mapagbibigyan ang hinihinging pondo.

Suportado naman ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang DOLE.

"Sa DBM (Department of Budget and Management) at DOF (Department of Finance), ilabas niyo na ang pondo nang maipamahagi na ang ayuda... Ito talagang si (Pangulong Rodrigo) Duterte - binarat na nga ang sahod, binabarat pa pati ang ayuda," ani KMU secretary general Jerome Adonis.

—Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.