Dolphin, natagpuang patay malapit sa isang resort sa Palawan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dolphin, natagpuang patay malapit sa isang resort sa Palawan

Rex Ruta,
ABS-CBN News
Published Aug 06, 2019 10:17 PM PHT

PUERTO PRINCESA CITY—Nakitang palutang-lutang ang isang dolphin o lumba-lumba malapit sa isang resort sa Barangay Manalo sa lungsod na ito Martes ng umaga.

Nang lapitan ng 2 bantay ng resort ay nagagawa pang huminga ng dolphin kaya isinakay nila ito sa balsa para ihatid sa malalim na parte ng beach, ngunit namatay rin ito.

Agad nila itong itinawag sa opisyal ng barangay para ireport.

Maaaring ito umano ang namamataang dolphin sa Barangay Maruyugon noong Lunes na lumalangoy rin malapit sa dalampasigan.

Sinuri ito ng Palawan Council for Sustainable Development, pero walang nakitang bakas na sinaktan ang hayop.

Hindi rin natukoy kung ano ang species ng dolphin, pero may sukat ito na 184 centimeters at may lapad na 80 centimeters.

Ang masamang panahon o pagkakaroon ng sakit ang posibleng dahilan kung bakit ito namatay.

Agad ding inilibing ang dolphin malapit sa beach.

Ayon sa International Union in Conservation of Nature, nabibilang na ang ganitong marine animals sa critically endangered species.