Ilang tauhan ng BuCor tinambangan sa Leyte | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang tauhan ng BuCor tinambangan sa Leyte

Ilang tauhan ng BuCor tinambangan sa Leyte

Sharon Evite,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 06, 2018 09:24 PM PHT

Clipboard

(UPDATED) Ilang mga miyembro ng Bureau of Corrections ang sugatan sa isang ambush sa Abuyog, Leyte nitong Lunes, ayon sa isang opisyal ng lokal na pulisya.

Kuwento ni Senior Supt. Norberto Tuazon, hepe ng pulis-Leyte, sa panayam ng DZMM, sugatan ang ilang katao ngunit wala na siyang ibang detalyeng naibigay.

Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina CO3 Randy Pantano, CO3 Nelson Padagdag at Jelaine Almario.

Sugatan naman si Jail Supt. Geraldo Aro at kasamahan nito na si Uldarico Mortizo.

ADVERTISEMENT

Patungo umanong Tacloban para sa kaniyang flight si Aro mula sa turnover command sa Leyte Regional Prison nang tambangan sila.

Nakuha sa crime scene ang higit 40 basyo ng M-16 rifle. - ulat mula kina Sharon Evite at Geron Ponferrada, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.