Bise Alkalde ng Pamplona, Cagayan patay sa pamamaril | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bise Alkalde ng Pamplona, Cagayan patay sa pamamaril

Bise Alkalde ng Pamplona, Cagayan patay sa pamamaril

Danielle Rebollos,

ABS-CBN News Isabela

 | 

Updated Aug 06, 2016 10:02 PM PHT

Clipboard

CAGAYAN, Philippines – Patay sa pamamaril si Bise Alkalde Aaron Sampaga ng Pamplona, Cagayan Biyernes ng gabi.

Ayon sa Philippine National Police, Pamplona, nagpapahangin umano ang bise alkalde sa tabing ilog sa Barangay Masi nang biglang pinagbabaril ito at ang kasamahan ng di pa nakikilalang suspek. Idineklarang dead on arrival si Sampaga sa ospital, habang ang kanyang kasamahan ay nagtamo ng mga sugat at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Nakuha ang anim na basyo ng bala ng M16 na riple at dalawang basyo ng bala ng caliber .45 na baril sa lugar kung saan naganap ang pamamaril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulis kaugnay sa motibo sa likod ng pamamaril at pagkakakilanlan ng suspek.

ADVERTISEMENT

Read More:

pamplona

|

cagayan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.