PANOORIN: Bakunahan sa Maynila dinagsa, health protocols di nasunod | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: Bakunahan sa Maynila dinagsa, health protocols di nasunod

ABS-CBN News
Published Aug 05, 2021 02:29 PM PHT

Isang araw bago ang pagsasailalim ng Metro Manila sa enhanced community quarantine (ECQ), dumagsa ang mga magpapabakuna sa ilang vaccination site sa Maynila.

Sa SM Manila, nagkasiksikan at humaba ang pila ng mga magpapaturok kontra COVID-19 kaya hindi na nasunod ang health protocols.

Mistulang pila sa Traslacion ang eksena sa may Ayala Bridge nitong umaga ng Huwebes: dikit-dikit ang mga tao, tulakan, hiyawan, nagkakasingitan, at hindi na naipatupad ang physical distancing.

Pero hindi ang Poong Nazareno ang pinipilahan kundi ang bakuna sa SM Manila.

ADVERTISEMENT
Tig-2,500 na bakuna ang in-allocate sa 4 na mall na vaccination site sa lungsod ngayong Huwebes.

Karamihan sa mga nais magpabakuna ay pumila simula pa alas-7 ng gabi noong Miyerkoles at magdamag naghintay kahit walang katiyakang mababakunahan.

Sa pagtaya ng Manila police, nasa higit 20,000 ang pumila sa 4 na vaccination.

Kumalat daw kasi ang pekeng balita na hindi na makalalabas ang mga tao sa ECQ kapag hindi sila bakunado.

Dahil sa paglabag sa health protocols, nag-anunsiyo ang Manila police na kanselado ang pagbabakuna at kailangang umuwi na ng mga tao.

Nang mag-disperse ang mga tao, nilinaw naman ng pamunuan ng SM Manila na tuloy ang vaccination sa unang 2,500 na umabot sa cutoff at nakapasok na sa mall.

Pero libo-libo pa rin ang umuwing luhaan at hindi tiyak kung kailan mababakunahan.

— Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT