Lalaking walang face mask, nahulihan ng hinihinalang shabu sa Taguig | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking walang face mask, nahulihan ng hinihinalang shabu sa Taguig

Lalaking walang face mask, nahulihan ng hinihinalang shabu sa Taguig

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Kalaboso ang isang construction worker nang mahulihan ng hinihinalang shabu sa isang border checkpoint sa Taguig City nitong Martes ng hapon.

Sa ulat ng Southern Police District, nasita dahil walang face mask ang 40-anyos na lalaking si "Randy" nang dumaan siya sa checkpoint ng mga pulis sa pagitan ng Barangay Bagumbayan at Sucat.

Nang kapkapan siya, nakita ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu.

Bukod sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, nahaharap din si Randy sa kasong paglabag sa notifiable diseases law.

ADVERTISEMENT

Isa ang checkpoint sa Sucat-Bagumbayan border sa mga itinayo bilang paraan ng pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) na tatagal hanggang Agosto 18 sa Metro Manila, Bulacan, Rizal at iba pang lugar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like youā€™re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.