Halos 200 bahay, sinira ng malalaking alon sa Davao City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Halos 200 bahay, sinira ng malalaking alon sa Davao City

Halos 200 bahay, sinira ng malalaking alon sa Davao City

Paul Palacio,

ABS-CBN News

Clipboard

DAVAO CITY - Halos 200 bahay ang sinira ng malalaking alon sa Barangay 76-A sa Bucana, Davao City nitong Sabado.

Sa tala ng City Disaster Risk Reduction and Management Office umabot na sa 193 bahay ang nasira matapos hampasin ng mga malalaking alon na dala ng habagat.

Sa bilang na ito, 89 ang totally damaged at 104 ang partially damaged.

Nasa 112 na mga pamilya ang pansamantalang naninirahan sa mga evacuation center.

ADVERTISEMENT

Sinira ng malalaking alon ang ilang mga bahay sa Barangay 76-A sa Bucana, Davao City.

Sinira ng malalaking alon ang ilang mga bahay sa Barangay 76-A sa Bucana, Davao City.

Sinira ng malalaking alon ang ilang mga bahay sa Barangay 76-A sa Bucana, Davao City.

Ayon kay Alfredo Baloran, ang officer-in-charge ng CDRRMO sa Davao City, papayuhan nila ang mga residente na huwag nang magtayo uli ng bahay sa dating kinatitirikan dahil sa peligro.

"Pwede na sila marelocate no mapangitaan na sila og relocation infact mao na ang mga projects karon sa city kung asa na sila ibutang kanang mga illegal settlers natu," aniya.

(Puwede sila ma-relocate, mahanapan sila ng relocation at 'yan ang direksiyon at proyekto ng siyudad at tinitingnan kung saan sila ilalagay 'yung mga illegal settlers.)

Nabigyan na rin ng tulong ang mga apektadong pamilya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.