(UPDATED) Isang madugong trahedya ang sinapit ng mga pasahero ng isang commuter van sa General Santos City pasado alas-3 ng hapon nitong Huwebes.
Siyam ang nasawi at lima naman ang sugatan, ayon sa inilabas na report ng Traffic Enforcement Unit ng General Santos City Police Office.
Ayon sa ulat, sumabog ang likurang gulong ng van kaya nawalan ng control ang driver, at sumalpok ito sa wing van na truck na kasalubong saka tumagilid.
Tumilapon naman ang sakay ng van at base sa video ng netizens, tanggal ang dingding ng sasakyan, at nagkayupi-yupi.
Damay naman ang isang pick-up sa aksidente.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa nangyaring aksidente.
—Ulat ni Chat Ansagay
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.