Pilipinas may higit 112,000 kaso na ng COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pilipinas may higit 112,000 kaso na ng COVID-19

Pilipinas may higit 112,000 kaso na ng COVID-19

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA —Pumalo sa pinakamataas na bilang ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa loob nang isang araw.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) nitong Martes, sumipa sa 6,352 ang bagong kaso ng COVID-19 dahilan para umakyat na sa 112,593 ang kabuuang bilang nito sa Pilipinas.

Ang 44,429 dito ay itinuturing na active cases.

Sa mga bagong naitalang kaso, 3,139 ang mula sa Metro Manila, 592 sa Laguna, 550 sa Cavite, 277 sa Rizal, habang 261 sa Cebu.

Labing isa naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi para sa kabuuang 2,115.

Umakyat naman sa 66,049 ang gumagaling sa sakit matapos madagdag sa bilang ang 240 na bagong recoveries ngayong Martes.

Samantala, nasa halos 18 milyon na ang may kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, habang nasa higit 680,000 na ang namamatay, base sa pinakahuling tala ng World Health Organization.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.