Balik sa kagubatan ng Baggao, Cagayan ang anim na iba't ibang uri ng agila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Balik sa kagubatan ng Baggao, Cagayan ang anim na iba't ibang uri ng agila

Harris Julio,
ABS-CBN News
Published Aug 04, 2020 10:03 PM PHT

Pinakawalan kamakailan sa kagubatan ng Baggao, Cagayan ang anim na iba't ibang uri ng agila na dating inalagaan ng mga lokal na residente.

Ayon kay Frederic Tomas, Municipal Environment and Natural Resources Officer ng Baggao, bawal ang naturang buhay ilang o wildlife sa pangangalaga ng mga residente, alinsunod sa batas.

“Naipost po sa facebook. So basically po, bawal po kasi nating alagaan ito at gawing domesticated na mga pet. Kaya minabuti po ng ating opisina na kunin sa kanila,” sabi ni Tomas.

Ayon sa MENRO, indikasyon ito na marami pa ang buhay ilang o wildlife sa kabundukan ng Baggao.
Ayon sa MENRO, indikasyon ito na marami pa ang buhay ilang o wildlife sa kabundukan ng Baggao.
ADVERTISEMENT
Pero posible ring dahil sa unti-unting pagkasira ng kanilang tirahan, napapadpad ang mga ito sa residential areas.

Ipinasakamay muna ang mga nabawing ibon sa Wildlife Center ng DENR Region 2 para maalagaan nang wasto bago pakawalan sa kanilang natural habitat.

Makalipas ang ilang buwan at nang masiguro nang maayos ang kanilang kalusugan, ibinalik na sa kabundukan ang mga agila noong Hulyo 27.

“Depende po sa behavior ng mga eagles na ito, kaya napili natin yung dalawang site. And then, yung site po na yun ay definitely, medyo malayo na po ito sa mga kabahayan," sabi ni Tomas.

"Kung pupwede, kapag nakita nila yung mga ni-release namin, huwag na huwag po nila galawin," dagdag niya.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang masusing pagbabantay sa mga ito.

Itinataguyod din ngayon ng LGU Baggao ang "One Billion Trees" project para maprotektahan ang kabundukan.

Read More:
Baggao Cagayan
Baggao
eagle
eagles
Philippine wildlife
wildlife animals
Philippine wildlife animals
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT