7 turista sugatan sa pagtagilid ng van sa Iloilo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

7 turista sugatan sa pagtagilid ng van sa Iloilo

7 turista sugatan sa pagtagilid ng van sa Iloilo

Cherry Palma,

ABS-CBN News

Clipboard

Nasa maayos na kalagayan na ang pitong turistang sakay ng naaksidenteng van sa Balabag, Dumangas, Iloilo. Cherry Palma, ABS-CBN News

DUMANGAS, Iloilo - Sugatan ang pitong turista matapos na biglang napaliko at tumagilid sa Balabag sa naturang bayan ang kanilang sinasakyang van, Biyernes ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, nagtangkang mag-overtake sa isang pick-up ang van pero nawalan ng control ang driver nito kaya biglang lumiko, umikot at tumagilid bago tuluyang bumangga sa poste ng kuryente.

Sa lakas na impact, nabasag ang mga bintana ng van. Pahirapan din umano ang pag-rescue sa pitong turistang sakay nito, ayon sa isang residente.

Sakay ng van ang isang mag-anak mula California at dalawa nilang tiyahin. Galing Iloilo airport ang grupo at patungo sanang Isla Gigantes sa Carles para magbakasyon.

ADVERTISEMENT

Nasa mabuti nang kalagayan ang lahat ng mga pasahero.

Inamin naman ng driver na mabilis ang pagpapatakbo niya ng van.

Nakakulong na ang driver ng van at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.