Ilang poste ng kuryente, telco nagtumbahan sa Binondo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang poste ng kuryente, telco nagtumbahan sa Binondo

Ilang poste ng kuryente, telco nagtumbahan sa Binondo

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 03, 2023 10:22 PM PHT

Clipboard

Ilang poste ng kuryente nagtumbahan sa Binondo

Nabuwal ang ilang poste ng kuryente sa Plaza San Lorenzo Ruiz sa Binondo, Maynila ngayong Huwebes. Kuha ni Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Nabuwal ang ilang poste ng kuryente sa Plaza San Lorenzo Ruiz sa Binondo, Maynila ngayong Huwebes. Larawan mula sa Manila Traffic and Parking Bureau

MANILA — (2ND UPDATE) Tatlo ang nasugatan matapos ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga poste ng kuryente at telepono sa Ongpin Street at Quentin Paredes Street sa Binondo, Maynila bandang ala-1 ng tanghali, Huwebes.

Ayon sa isa sa mga nasugatan na si Beverly Balledo, nakaangkas siya sa motor kasama ang kasintahan ng bigla na lamang nagbagsakan ang mga poste.

"Nakita namin pa collapse na itong isang poste dito, hindi namin namalayan lumiko kami, pagliko namin, yung dragon bumagsak," aniya.

Nakasakay naman sa bisikleta ang magpinsan na sina John Michael Acibat at Joffer Jhon Dolatre nang mabagsakan ng mga kable mula sa mga nabuwal na poste.

ADVERTISEMENT

Nabuwal ang ilang poste ng kuryente sa Plaza San Lorenzo Ruiz sa Binondo, Maynila ngayong Huwebes. Kuha nina Jonathan Cellona at Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

"Biglaan na lang po, nablangko kami, nagulat kami bakit bumabagsak na 'yung wire," ani Acibar.

"Bigla na lang bumagsak 'yung dito namin sa kanan, nagulat ako may wire na ako dito, naka-X po. Pagtulak ko po nakalabas kaming dalawa, baluktot na 'yung bike ko, 'yung bike niya naipit na doon," ayon kay Dolatre.

Nagtamo ang tatlo ng mga sugat at pasa sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Kuwento naman ng nakasaksi sa pangyayari na si Mike Crisologo, dahan dahan na bumagsak ang unang poste hanggang sa mahila at tuluyan na ring mabuwal ang iba pa.

"Biglang nagsigawan 'yung mga tao, pagsilip ko, ito na, biglang nagbagsakan 'yung mga poste pero dahan-dahan, hindi biglang ganoon. Dahan-dahan bumagsak, sumunod na lahat 'yung nandiyan," aniya.

Sa tala ng Manila Police District, aabot sa siyam ang napinsalang sasakyan sa insidente.

Iniimbestigahan na rin ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office ang sanhi nito.

Kabilang sa mga tinitingnang dahilan ng pagbagsak ng mga poste ang mga nakakabit na bakal para sa mga linya ng telepono at cable TV.

"Maaaring isa po iyon sa dahilan o nasabitan ng mataas na sasakyan, iyon po ang pinag-aaralan... Yun pong pinakamalaki na makikita ninyo na bumagsak diyan, bagong palit lang nila iyon, hindi naman po nila napapalitan ng sabay, kung medyo nakatagilid mayroon silang inilalagay na katabi pansamantala para hindi po magtuloy tuloy ang pagbagsak ng poste," ayon kay Manila DRRMO Director Arnel Angeles.

Humingi naman ng paumanhin ang Meralco sa mga naapektuhan ng insidente.

Iniimbestigahan pa ng Meralco ang sanhi ng insidente na nangyari bandang 12:41 ng tanghali, ayon kay Joe Zaldarriaga, head ng corporate communications ng kumpanya.

"Base sa inisyal na impormasyon, wala namang naapektuhang serbisyo ng kuryente at walang malubhang nasaktan," ayon kay Joe Zaldarriaga, hepe ng corporate communications ng Meralco sa isang pahayag.

Tiniyak din ng Meralco na naaayon sa tamang standard ang kanilang mga poste.

"Bago kami nagtatayo ng poste, dumadaan talaga sa standards namin, tinitingnan namin kung ano talaga yung angkop na tinatayo namin na poste... ini-inventorize namin ngayon kung ilan talaga 'yung naka-attach, its possible kung iyon talaga 'yung nag-trigger sa pagbagsak," paliwanag ni Meralco Central Distribution Services Head Ariel Lucas.

Tiniyak din ng Meralco na agad na maibabalik ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Ongpin at Quentin Paredes Street.

Pansamantala namang isinara ang daan sa buong Plaza San Lorenzo Ruiz dahil sa insidente, abiso ng Manila Traffic and Parking Bureau.

Dahil sa nangyari, nanawagan ang isang kongresista na maglaan na ang gobyerno ng long-term plan nito para sa paglalagay ng underground power lines at telco cable lines.

"I suggest to the Department of Energy and the National Electrification Administration that they formulate and implement a long-term plan... [which] should be done gradually over the next 15 years in three phases of five years each," ani Rep. Bernadette Herrera, filing author ng panukalang Nationwide Underground Cable System Act.

Dagdag ng mambabatas, ang pagsasagawa ng underground lines ang tamang solusyon para tapusin ang paulit-ulit na isolation ng mga coastal town at remote islands tuwing tinatamaan sila ng bagyo.

— May ulat ni Jonathan Cellona, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.