Dating Lamitan City Mayor Rose Furigay, inilibing na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating Lamitan City Mayor Rose Furigay, inilibing na

ABS-CBN News
Published Aug 03, 2022 04:25 PM PHT

Inihatid na sa kaniyang huling hantungan si dating Lamitan City Mayor Rose Furigay ngayong Miyerkoles.

Si Furigay ay nasawi matapos pagbabarilin ng suspek na si Dr. Chao-Tiao Yumol sa Ateneo de Manila Universirty sa Quezon City halos dalawang linggo na ang nakalilipas.

Alas sais ng umaga nang dalhin sa City Gymnasium sa City Hall Complex ng Lamitan ang mga labi ni Furigay.

Dito nagkaroon ng huling pagkakataon ang mga tagasuportang makita ang dating alkalde.

ADVERTISEMENT
Nagbigay pugay rin sa kaniya ang mga pulis, sundalo, Coast Guard at iba pang mga kawani ng gobyerno.

Ayon kay Basilan Governor Jim Saliman-Hataman, napakabuting tao at lider ni Furigay na tinatawag niyang "Sis Rose".

Kahit umano sa panahong nahihirapan ang pamahalaang lokal ng Basilan sa aspeto ng peace and security, wala umano siyang narinig na reklamo mula kay Furigay.

Hindi naniniwala si Hataman sa paratang na korapsyon laban sa mga Furigay lalo't apat na beses ginawaran ng seal of good local governance ang Lamitan sa ilalim ng panunungkulan ng dating alkalde.

Matapos ang huling public viewing sa gymnasium, inihatid na sa St. Peter the Apostle Parish si Furigay para sa funeral mass.

Sa kaniyang sermon, sinabi ni Bishop Leo Dalmao ng Basilan Prelature na maaaring hindi maintindihan sa ngayon kung bakit sa marahas na paraan nawala si Furigay.

Mainam aniyang isipin na mapayapa na ang loob nito sa piling ng Panginoon.

Dagsa ang mga kaanak at taga-suporta sa R&R Tennis Court sa Barangay Limook kung saan inihimlay si Furigay.

Ginawaran siya ng 21-gun salute ng 101st Army Brigade.

Sa pag-alingawngaw ng sunod-sunod na putok, makikitang nanginginig sa takot ang isa sa mga anak ni Furigay na si Kelsey.

Ayon sa kaniya, hindi rin niya maintindihan kung bakit ganun ang naging reaksyon niya. Maaari umanong dahil naisip niya na yun ang huling tunog na narinig ng nanay nila bago ito binawian ng buhay.

Nanawagan si Kelsey sa publiko na patuloy na ipanalangin ang kaniyang ina upang makamit nito ang hustisya.

Ayon kay Kelsey, gusto lang nilang magluksa at magsama-sama bilang isang pamilya.

Mami-miss umano niya sa kaniyang ina ang pagiging maalalahanin nito, ang pagso-sorpresa sa kaniya, at iyong nakakausap niya ito nang madalas sa kahit anong bagay.

Ayon kay Kelsey, sa ngayon wala silang planong magkakapatid na pasukin ang pulitika. Mismong ang ina nila aniya ang nagsabi noon na ayaw niyang pumasok sa pulitika ang kahit sino sa kanilang magkakapatid.

"We are strong because our mom is strong. We're going to do our best to make her proud no matter what field it will be," ani Kelsey.

Tatlo ang anak ng mga Furigay. Ang isa kanila ay si Hannah, kakambal ni Kelsey, na nasugatan sa parehong insidente ng pamamaril ni Yumol sa araw dapat ng pagtatapos nito sa Ateneo Law.

Ang kanilang amang si Roderick ang kasalukuyang mayor ng Lamitan.

-- ulat ni Queenie Casimiro
KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
rose furigay
furigay
gunman
lamitan
basilan
ateneo
ateneo de manila university
ADMU
ateneo shooting
hannah furigay
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT