Sanggol natagpuang patay sa loob ng drawer sa Misamis Oriental | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sanggol natagpuang patay sa loob ng drawer sa Misamis Oriental

ABS-CBN News
Published Aug 03, 2020 04:10 PM PHT

Natagpuan noong umaga ng Linggo ang isang patay na babaeng sanggol sa loob ng isang drawer ng mga damit sa bayan ng Opol, Misamis Oriental.

Ayon sa pulisya, ang kinakasama ng ina ng bata ang nakahanap sa patay na bata.

Naka-hospital arrest ngayon ang ina, na pinaghihinalaang may kinalaman sa pagpatay sa bata.

Isinugod noong Sabado ang ina sa ospital sa Cagayan de Oro City matapos duguin nang may inuming gamot.

ADVERTISEMENT
"Sumasakit ang kanyang puson matapos uminom. Pero kung makita mo ang bata...full term na siya, malaki na ang bata, ani Briones.

"Ang ka-live-in ng ina ng bata ay nagliligpit ng kanilang gamit... pagbukas niya ng drawer, nakita niya ang bata at agad humingi ng tulong," ani Patrolwoman Bridgette Joy Briones ng Opol police.

Dinala sa punerarya ang sanggol at nakatakdang isailalim sa autopsy para matukoy kung ano ang ikinamatay nito.

Sakaling mapatunayan sinadya ang pagpatay sa bata, kasong infanticide ang maaaring harapin ng ina at kinakasama.

-- Ulat ni Joey Taguba, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT