Mga produktong gawa ng mga PWD tampok sa online trade fair | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga produktong gawa ng mga PWD tampok sa online trade fair

ABS-CBN News
Published Aug 03, 2020 03:15 PM PHT
|
Updated Aug 03, 2020 05:45 PM PHT

Pangungutya ng kapuwa at kalbaryo sa paghahanap ng trabaho ang ilan sa mga hinarap ni Ronaldo Polo matapos malumpo dahil sa tuberculosis sa buto.

Napilitan si Polo, 38, na mamalimos para masuportahan ang ina at 5 kapatid sa loob ng higit 10 taon hanggang sa alukin siya ng trabaho sa leather bag shop ni Harley Beltran.

Ngayon, isa nang pinagkakatiwalaang craftsman sa isang shop sa San Pedro, Laguna si Polo, na gumagawa ng kalidad at fashionable leather bags, face masks at earsavers.

"'Yong hiya po sa maraming tao, 'yon ang naranasan ko noon. Ngayon, wala na pong ganoon," ani Polo.
"'Yong hiya po sa maraming tao, 'yon ang naranasan ko noon. Ngayon, wala na pong ganoon," ani Polo.
ADVERTISEMENT
"Nagkaroon na ako ng trabaho na maayos," dagdag niya.

"'Pag ang isang tao deprived siya of anything, 'pag binigyan siya ng chance, tinuruan mo... gagawin niya 'yan beyond your expectation," sabi naman ni Beltran.

Nahanap din ni Dalisay Canada ang kumpiyansa sa sarili nang sumali sa isang organisasyon ng persons with disability (PWDs) sa Carmona, Cavite na gumagawa ng tofu.

Ayon kay Canada, may polio man siya at higit 40 na, masayang makatulong pa rin sa mga gastusin sa bahay at ng 2 niyang anak.

"Before po, hindi po ako lumalabas. Siyempre nahihiya sa kapansanan, pero ngayon, natututo na po akong makiharap, kumbaga hindi ako nahihiya," ani Canada.

Dahil sa COVID-19 pandemic, nagkaroon ng hamon sa trabaho at pagnenegosyo. Gayunman, tuloy sa pagkayod sina Polo at Canada.

Tampok ang mga produktong gawa nila at iba pang persons with disability sa Biz-Ability Online Trade Fair ng Department of Trade and Industry, mula Hulyo 30 hanggang Agosto 12.

Bukod sa leather masks at fresh tofu, mayroon ding bags, pouches, pillows, potholders, at iba pa.

"Kailangan din natin tulungan ang PWDs na mag-online na at ma-involve sila sa e-commerce sa pagbebenta ng kanilang mga produkto," ani Lydia Guevarra, direktor ng Resource Generation and Management Service ng Department of Trade and Industry.

Sa mga interesado, bisitahin lang ang link na ito: https://www.facebook.com/DTI.BDTP

Ayon kina Polo at Canada, kailangan lang talaga ng suporta para maipamalas ng mga tulad nila ang natatagong abilidad.

-- Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
hanapbuhay
online trade fair
PWDs
persons with disability
Biz-Ability
Department of Trade and Industry
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT