Umano'y hideout ng NPA nadiskubre sa CDO | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Umano'y hideout ng NPA nadiskubre sa CDO

Umano'y hideout ng NPA nadiskubre sa CDO

Angelo Andrade,

ABS-CBN News

Clipboard

Kasama sa mga narekober sa pansamantalang kampo umano ng mga rebelde ang isang anti-personnel mine. Larawan mula sa 65th Infantry Battalion ng Philippine Army

Natagpuan ng mga sundalo ng 65th Infantry Battalion ng Philippine Army ang tinatawag nilang pansamantalang hideout ng mga miyembro ng New People's Army sa Barangay Pigsag-an sa Cagayan de Oro matapos maganap ang isang engkuwentro noong Martes.

Ayon kay Brig. Gen. Edgardo De Leon, commander ng 403rd Infantry Brigade, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa 103rd Brigade na nakasagupa ng tropa ng 49th Infantry Battalion ang mga miyembro ng NPA Sub-Regional Committee 5 North Central Mindanao Regional Command (NCMRC) sa Lumba-Bayabao, Lanao del Sur at nagsitakasan sa iba’t ibang direksyon ang mga rebelde.

Inabangan nila ito sa tradisyonal nilang daanan sa Bukidnon, Iligan, Misamis Oriental at hinterland barangay sa Cagayan de Oro kung saan nakasagupa nila ang 65th IB.

"Naaabutan natin 'yung NPA terrorist na naka-standby sa parang temporary hideout nila," sabi ni De Leon.

ADVERTISEMENT

Isang sundalo ang nasugatan sa naturang engkuwentro habang inaalam pa nila ang bilang ng mga nasugatan sa hanay ng mga rebelde.

"Doon sa pursuit operation, maraming bloodstains ang nakita doon so mayroon po kaming suspetsa na maraming tinamaan sa grupo nila. Actually, may nabalitaan kami mayroong dinala sa ospital tinutugis sila ngayon ng kapulisan kung saang ospital sila dinala," dagdag ni De Leon.

Narekober mula sa hideout ng mga rebelde ang ilang mga gamit kasama na ang isang anti-personnel mine.

Tiniyak naman ng mga sundalo na walang banta sa seguridad sa lungsod ng Cagayan de Oro dahil daanan lang ng mga NPA ang ilang parte ng hinterland barangays.

Naghigpit na rin ng seguridad ang awtoridad sa lungsod lalo't ngayong buwan na ipagdiriwang ang kapistahan kung saan nakalinya ang maraming aktibidad.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.