Drayber, patay matapos hatawin ng maso sa mukha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Drayber, patay matapos hatawin ng maso sa mukha

Drayber, patay matapos hatawin ng maso sa mukha

Annie Pasion,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 04, 2017 04:43 AM PHT

Clipboard

Nagsisilbing ebidensiya ngayon ang isang duguang maso na nakita sa toolbox ng trak. Annie Pasion, ABS-CBN News

Pasado alas-8 ng umaga noong Miyerkoles, natagpuang nakabulagta sa sahig ng isang garahe sa barangay Bugallon Norte sa Ramon, Isabela si Orlando Calautit, 37 anyos na truck driver.

Basag ang ulo ng biktima.

Kuwento ng chief of police ng bayan ng Ramon na si Senior Inspector Genesis Cabacungan, "Nakabulagta na iyung katawan ng ano, ng biktima, at nakita natin na talagang kalunos-lunos talaga 'yung pagkakapatay niya sapagkat tinamaan siya ng ano eh, 'yung maso. Minaso 'yung ulo niya habang natutulog.”

Wala pang lumulutang na testigo sa nangyari, pero may pinaghihinalaan na ang pulisya sa nasa likod ng pagpatay.

ADVERTISEMENT

Pinaghahanap nila ngayon si Leonard Velasco, 30 anyos na pahinante.

Nagkainuman umano sila ng biktima noong Martes ng gabi. Sila rin ang magkasama sa bunkhouse.

"Nitong mga nagdaang araw, mukhang parang nagbago yung behavior nitong pinasok. So, siguro napagsasabihan niya, dahil siya nga nagpasok so dapat maging behaved siya sa pinasukan nila. So marahil yun yung nagmitsa,” ayon kay Cabacungan.

Nagsisilbing ebidensiya ngayon ang isang duguang maso na nakita sa toolbox ng trak.

“Ito po ay may mga kaso na rin, at ito po, nakapag-trace tayo sa mga ibang police station. Kasi ang ginawa natin, lahat ng mga possible na pupuntahan niya. Kasi ang nabanggit po niya rito eh taga Alicia, Isabela siya,” dagdag pa ni Cabacungan.

Tatlong buwan pa lang na pahinante ang suspek na ipinasok lang din ng biktima sa trabaho.

Paalala ng pulisya sa mga employer na maging mapanuri sa kukuning trabahador.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.