Mga gumagawa ng sapatos sa Marikina, balik-sigla sa pagbabalik ng face to face classes | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga gumagawa ng sapatos sa Marikina, balik-sigla sa pagbabalik ng face to face classes

Mga gumagawa ng sapatos sa Marikina, balik-sigla sa pagbabalik ng face to face classes

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA — Masaya ang mga gumagawa ng sapatos sa lungsod ng Marikina sa pagababalik ng face-to-face classes.

Balik ang sigla ng mga tagagawa ng sapatos sa lungsod dahil malaking tulong ang pagbabalik ng face to face classes para marami ang bumili ng mga produkto nila.

Ayon kay Noel Evangelista na isa sa mga may pagawaan ng sapatos sa Marikina, halos 2 taon din silang walang benta ng school shoes.

Maging sa mga regular na sapatos, halos kulang din ang bentahan.

ADVERTISEMENT

"Hindi po kami essentials sa pandemic kaya po talagang bumaba ang sales. Resulta po noon, gumawa po kami ng online selling kaya medyo naka-recover naman po," ani Evangelista.

Dagdag pa niya, inaasahan nilang kahit papaano ay dadami ang kanilang benta dahil may face to face classes na.

Nilinaw din ni Evangelista na wala naman umanong paggalaw sa presyo ngayon ng mga sapatos, lalo na sa mga school shoes.

Samantala, patuloy naman ang pagbigay ng tulong ng lokal na pamahalaan ng Marikina sa mga apektadong magsasapatos lalot marami ang nagsara na mga pagawaan.

Ayon sa chairman ng Committee on Footwear and Leather Craft Industry ng Marikina na si Councilor Cloyd Casimiro, nasa 110 na lang ang mga pagawaan ng sapatos sa lungsod dahil sa epekto ng pandemya.

Noong Marso 2020, mayroon 152 na tagagawa ng sapatos sa Marikina.

Dagdag pa ni Casimiro, may mga ordinansa nang ginawa ang konseho ng Marikina para sa mga tagagawa ng sapatos, tulad ng 5 taong tax exemption o tax amnesty upang makabangon sila sa kanilang mga negosyo.

May mga shoe bazaar din na inorganisa ang lokal na pamahalan.

—Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

FROM THE ARCHIVES:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.