14 anyos na babae natagpuang patay sa taniman ng tubo sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2020 09:48 PM

CADIZ CITY, Negros Occidental - Isang 14 anyos na dalaga ang natagpuang patay sa taniman ng tubo sa Hacienda Jose, Barangay Mabini, Cadiz City, Negros Occidental Sabado ng umaga.

Tadtad ng saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan ang bangkay ng dalaga.

Ayon kay Cadiz Police Chief Lieutenant Colonel Robert Mansueto, may person of interest na ang pulisya pero kumukuha pa sila ng karagdagang impormasyon at mga testigo para maisampa ang kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.