News alerts, DZMM streaming makukuha sa ABS-CBN News App | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News alerts, DZMM streaming makukuha sa ABS-CBN News App

News alerts, DZMM streaming makukuha sa ABS-CBN News App

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 02, 2019 09:59 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Inilunsad na ngayong Biyernes ang ABS-CBN News App, na layong pabilisin at padaliin ang pagtanggap ng balita ng publiko sa pamamagitan ng smartphone.

Narito ang ilang features ng app na maghahatid ng ginhawa sa mga sumusubaybay sa balita:

• News Alert
Bibigyan ang user ng notification o abiso ukol sa mga importanteng malalaking balita kahit pa nakasara ang ABS-CBN News App sa smartphone.

• DZMM 630 streaming
Maaaring mapakinggan nang tuloy-tuloy ang DZMM sa pamamagitan ng audio streaming feature ng app.

ADVERTISEMENT

• Personalized feed
Kung ayaw ng masyadong maraming impormasyon, maaaring piliin ng user ang mga topics na nais niyang makita sa kaniyang app - at tungkol lang doon ang balitang matatanggap niya.

Kung hindi naka-log in sa app, maaaring pumili ng tatlong topic na susundan. Kung naka-sign in maaaring pumili ng 13 topics.

Email address at password lang ang kailangan para makagawa ng user account at makapag-sign in sa app.

• Saved articles

Kapag naka-sign in na, maaaring mag-save ng mga ulat ang user para basahin ang mga ito kung kailan niya gusto.

Maaaring i-download ang app sa Google Play Store o kaya sa Apple Store.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.