Mahigit P500-M halaga ng shabu na nakasilid sa tea bags, nakuha sa Bulacan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mahigit P500-M halaga ng shabu na nakasilid sa tea bags, nakuha sa Bulacan

ABS-CBN News
Published Aug 01, 2021 11:29 PM PHT

Tinatayang higit P500 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa pinagsamang operasyon ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group at ng Philippine Drug Enforcement Agency sa lalawigan ng Bulacan Linggo ng hapon.

Nauwi umano sa engkwentro ang isinagawang buy bust operation sa loob ng isang warehouse sa Barangay Santol sa bayan ng Balagtas, Bulacan, kung saan napatay ang target suspek na isang Chinese national.

Nakumpiska sa suspek ang 74 kilo ng hinihinalang shabu bukod pa ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nabili sa kanya ng poseur-buyer.

Nakasilid ang mga ito sa green tea bags.
Nakasilid ang mga ito sa green tea bags.
ADVERTISEMENT
Narecover din sa suspek ang mga cellphone, identification cards, 1-thousand peso bill na may kasamang boodle money at Colt 45 pistol na may mga bala.

Ayon sa PNP-DEG, isa umanong kilalang importer at distributor ng ilegal na droga sa National Capital Region, Region 3 at iba pang karatig rehiyon ang napatay na suspek.

- ulat ni Gracie Rutao
Read More:
Bulacan
buy-bust
ilegal na droga
war on drugs
Chinese nanlaban
Chinese drug suspect
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT