Halos 4,000 reklamo kaugnay ng SAP naaksyunan ng PACC | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Halos 4,000 reklamo kaugnay ng SAP naaksyunan ng PACC

ABS-CBN News
Published Aug 01, 2020 03:53 PM PHT

Umabot na sa halos 4,000 reklamo kaugnay ng Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno ang naaksyunan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), ayon sa isang opisyal ng tanggapan.

Sa public briefing sa government television Sabado, sinabi ni Anti-Corruption Commissioner Greco Belgica na naaksyunan na nila ang kabuuang 3,992 na report na natanggap ang komisyon ukol sa cash aid program sa gitna ng pandemya.

Nasa 90 porsiyento raw sa mga report ay nasa kanilang nasasakupan, at na-endorse na sa kaukulang ahensya.

Hindi lang nalinaw ni Belgica kung may napanagot na sa korapsyon sa naturang financial assistance program dahil mahaba aniya ang proseso para mapatunayan ang isang reklamo.

ADVERTISEMENT
“Kapag pumasok ang complaints sa amin, papasok agad 'yan sa technical evaluation, and then titingnan ang jurisdiction, kung may ebidensya, titingnan ang form and substance. Kung mayroon ay papasok na sa investigation and then ang makikitang resulta, papasok sa adjudication, and then i-present naman sa en banc and then they will vote what to recommend to the president,” ani Belgica.

Samantala, binuhay ni Belgica ang dati nang isinusulong ng PACC na ituring na heinous crime ang korapsyon at dapat daw ay may parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection.

Naniniwala si Belgica na kasing-sama ng murder at drug cases ang korapsyon na panghabangbuhay daw ang epekto.

“Ang sa amin nga noon ay by hanging, pero okay naman din ang lethal injection. Pero some corruption po is as bad as murder, as bad as drugs, dahil ang effect nito perpetual eh,” sabi ni Belgica. “Dapat talaga, pinapatay po iyan. Ang corrupt talaga dapat po iyan pinapatay.”

Ang social amelioration program ay ayudang ipinagkaloob ng gobyerno para sa mga pamilyang pinakamatinding nasapul ng COVID-19 lockdown. Idinadaan sa mga lokal na pamahalaan ang pamamahagi nito.

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
Read More:
PACC
Presidential Anti-Corruption Commission
corruption
death penalty
Laging Handa
Greco Belgica
SAP
Social amelioration program
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT