Kasal sa Bulacan itinuloy sa kabila ng baha sa simbahan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kasal sa Bulacan itinuloy sa kabila ng baha sa simbahan

Kasal sa Bulacan itinuloy sa kabila ng baha sa simbahan

Rowegie Abanto,

ABS-CBN News

Clipboard

Hindi napigilan ng baha ang kasal nina Dianne Victoriano at Paulo Padilla nitong Linggo, Hulyo 30. Mga larawan mula kay Maria Jasmin Halili/Facebook
Hindi napigilan ng baha ang kasal nina Dianne Victoriano at Paulo Padilla nitong Linggo, Hulyo 30. Mga larawan mula kay Maria Jasmin Halili/Facebook

MAYNILA — Itinuloy ang isang kasal sa Bulacan nitong Linggo sa kabila ng pagbaha sa loob mismo ng simbahan.

Sa mga larawan at video na ipinost ni Maria Jasmin Halili, makikitang naglalakad sa gitna ng binahang Barasoain Church sa Malolos ang bride na si Dianne Victoriano. Ikinasal siya kay Paulo Padilla, pinsan ni Halili.

"Walang bagyo o baha sa dalawang taong nagmamahalan, kaya tuloy ang Kasal!!" ani Halili sa kaniyang Facebook post.

Inihalintulad pa niya ang kasal sa isang eksena isang romantic comedy film. "The design is very Crazy Rich Asians,😅🤭 pero Bulacan version," aniya.

ADVERTISEMENT

Watch more News on iWantTFC

Mga video mula kay Maria Jasmin Halili/Facebook

Kuwento ni Halili sa ABS-CBN News, 2 buwan nang naka-set ang kasal nina Victoriano at Padilla at "natapat lang talaga" na may baha at bagyo.

"[W]ala na po sila choice, kailangan ituloy kasi naniniwala po kasi kami sa mga pamahiin ng matatanda na pag naka-set na, bawal na baguhin or i-postpone kasi malas daw po," aniya.

Parehong taga-Bulacan ang bride at groom, ani Halili. Sa ngayon, mabuti ang lagay ng dalawa, dagdag niya. "Happy and gulat sila viral yung [wedding] nila."

Nakararanas ng pagbaha ang ilang bahagi ng bansa, kabilang ang Bulacan, dahil sa halos walang humpay na pag-ulang dala ng habagat at bagyong Falcon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.