Personal na galit tinitingnang anggulo sa pananambang sa PCSO official | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Personal na galit tinitingnang anggulo sa pananambang sa PCSO official

ABS-CBN News
Published Jul 31, 2020 01:25 PM PHT
|
Updated Jul 31, 2020 07:14 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) - Sinisilip ngayon ng Mandaluyong City Police kung may kinalaman ang personal na galit sa pagpaslang sa isang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa siyudad.

Hapon ng Hulyo 30 nang pagbabarilin si PCSO board secretary Wesley Barayuga sa loob ng kaniyang sasakyan. Kasama ni Barayuga ang kaniyang driver, na nasugatan nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Mandaluyong police chief Col. Hector Grijaldo Jr, may mga gambling operator na naghain ng kaso laban kay Barayuga.

"May mga aprubado at hindi aprubadong prangkisa doon sa mga gambling operation na, 'yung may authority na pino-provide po ng PCSO. Mayroon pong mga gambling operator na nag-file ng kaso batay sa impormasyon na nakuha namin," ani Grijaldo.

ADVERTISEMENT
Tatlong persons of interest ang tinitingnan ng pulisya, kabilang na ang dalawang motorcycle rider at ang driver ng brown na kotse na nasa unahan ng sasakyan ng biktima.

Bukod sa personal na galit, trabaho din ang tinitingnang anggulo sa pagpaslang kay Barayuga.

Kabilang din umano sa narco-list na inilabas ni Duterte noong 2016 si Barayuga, ayon kay National Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Debold Sinas.

“We are checking kung active pa ba yung list na yun to check if it has something to do with the shooting,” ani Sinas.

Lalong hinigpitan ang seguridad sa barangay kasabay ng insidente.
Lalong hinigpitan ang seguridad sa barangay kasabay ng insidente.
ADVERTISEMENT
Hinimok ng pulisya ang publiko na lumapit sakaling may impormasyon tungkol sa mga suspek.

Bumuo rin ang Mandaluyong Police ng special investigation task group kaugnay sa pananambang na tinawag na "SITG Barayuga."

Makikipag-ugnayan ito sa National Bureau of Investigation at iba pang ahensiya ng pamahalaan para maresolba ang krimen.

"Intended ito na mapalawig pa natin 'yung scope ng investigation at hindi lang siya limited sa Mandaluyong police but tapping other law enforcement units, 'yung CIDG po natin, 'yung NBI, and other law enforcement agency na makatulong upang ma-solve po itong kaso natin," ani Grijaldo.

Retiradong pulis si Barayuga at dati rin naging Iloilo Police director. Humawak din siya ng posisyon sa Camp Crame.

-- Ulat nina Zhander Cayabyab at Bianca Dava, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT