Pagguho ng ilang bahay sa Itbayat pinangangambahan dahil sa aftershocks | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagguho ng ilang bahay sa Itbayat pinangangambahan dahil sa aftershocks

ABS-CBN News
Published Jul 31, 2019 05:50 PM PHT
|
Updated Jul 31, 2019 07:10 PM PHT

Pinangangambahang gumuho ang ilan pang mga bahay sa Itbayat, Batanes dahil sa nararanasang aftershocks kasunod ng malakas na lindol na tumama sa lalawigan noong Sabado.

Napuna ng mga residente at lokal na opisyal na dahil sa aftershocks, dumadami at pahaba nang pahaba ang mga bitak sa mga pader at semento sa ilang bahay sa Itbayat, na isa sa mga pinakamatinding naapektuhan ng magkasunod na lindol sa Batanes.

Lumaki rin ang mga bitak sa pundasyon at poste ng municipal gymnasium, kung saan inilalagay ang relief goods na ipinamamahagi sa mga nasalanta.

"Kapag patuloy pa rin ito, ine-expect natin na 'yong mga nakatayo pa 2 days ago after earthquake, at dahil masyado na marami ang aftershocks, ine-expect natin na bibigay na," ani Itbayat Mayor Raul de Sagon.

ADVERTISEMENT
Nasa 300 aftershocks na ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) mula nang lumindol noong umaga ng Sabado.

Pero paunti na nang paunti ang aftershocks, batay sa datos ng Phivolcs.

Base sa assessment ng lokal na Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 963 bahay sa Itbayat, ligtas pang tirhan ang 692 dahil hindi naman matindi ang pinsalang tinamo ng mga ito sa lindol.

Nasa 184 na bahay naman ang "totally damaged," ayon sa DPWH.

Nasa 809 pamilya naman ang patuloy na naninirahan sa itinayong tent city sa plaza ng Itbayat.

Pababalikin na sana ang mga lumikas sa kanilang mga bahay pero nagpasya si Batanes Gov. Marilou Cayco na ipagpaliban muna ito dahil sa mga matitinding aftershock na nararanasan.

Ayon pa kay Cayco, magtatayo muna sila ng temporary shelter para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan.

Binisita rin ngayong Miyerkoles ni Vice President Leni Robredo ang Itbayat.

Nagdala si Robredo ng relief goods, tubig, gamot, at mga banig na donasyon ng mga pribadong grupo at kompanya.

Sinabi rin Robredo na lalapit siya sa pribadong sektor para humingi ng tulong sa muling pagbangon ng Itbayat.

"Ang opisina po namin wala masyadong pondo kaya po ang ginagawa namin humihingi din kami ng tulong sa mga private organizations," ani Robredo.

MGA NA-TRAUMA SA LINDOL
Samantala, pinangunahan ng Department of Health ang tulong para sa mga residente ng Batanes na nakaranas ng trauma sa lindol.

Nagkaroon ng stress debriefing para sa mga bata, na idinaan sa mga palaro.

Isinailalim din sa psycho-social processing ang mga matatanda.

-- Ulat nina Ron Gagalac at Dennis Datu, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
lindol
Itbayat
Batanes
Leni Robredo
Phivolcs
Department of Public Works and Highways
Department of Health
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT