2 rapper, 2 kasamahan timbog sa Cubao buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 04:40 AM

MAYNILA—Timbog ang 2 rapper at 2 pa nilang kasamahan sa buy-bust operation sa Barangay San Martin de Porres, Cubao, Quezon City Martes ng gabi.

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 25 sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P13,000.

Ayon kay Police Lt. Col. Giovanni Caliao ng Cubao Police Station, inaresto ang mga lalaki nang mabilhan sila ng P300 halaga ng shabu.

Depensa ng isang suspek, nagsusulat lang umano sila ng kanta, pero ikinanta sila ng isang kasamahan na nagda-drug session umano.

Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. — Ulat nina Jervis Manahan at Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.