Lalaking umiinom sa bar, patay matapos saksakin ng kapwa customer | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking umiinom sa bar, patay matapos saksakin ng kapwa customer

Lalaking umiinom sa bar, patay matapos saksakin ng kapwa customer

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Patay ang isang lalaking umiinom sa isang videoke bar matapos saksakin ng kapwa kustomer na nawalan ng P800 sa Malate, Maynila Sabado ng gabi.

Namatay ang 32-anyos na biktimang si Doimevar Oric mula sa tinamong 3 saksak sa likod.

Kuwento ni "Samantha" na nagtatrabaho sa bar, nagsimula ang gulo ng igiit ng suspek na si Gerry Nacario, 26, na nawalan siya ng P800 makaraang gumamit ng CR sa bar.

Sinabi umano ni Nacario kay Samantha na posibleng kinuha ito ng isa sa 2 taong nakasabay umano niya sa palikuran.

ADVERTISEMENT

Ayon naman sa katiwala ng bar, may isa pang customer na nagsabing nawalan din ng pera kaya sinabihan niyang mag-usap na lang sila ng suspek.

Pero umalis si Nacario sa bar at bumalik na may dalang kutsilyo, saka biglang pinagsasaksak si Oric, na kasisimula lang uminom noon at hindi namalayan ang pagdating ng suspek.

Isinugod ang biktima sa Philippine General Hospital pero hindi na umabot doon nang buhay.

Tumakas si Nacario pero nahuli rin kinalaunan ilang metro ang layo mula sa bar.

Hindi na narekober ang nawawalang pera.

Regular na kustomer su Nacario sa bar tuwing Sabado, ayon sa mga nagtatrabaho roon.

Napaiyak naman ang suspek nang aminin ang ginawa. Aniya, nagsisisi siya na may nadamay pang inosenteng tao at napatay dahil sa kanyang galit.

Haharapin ni Nacario ang kasong murder.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.