'Natutulog sa pansitan': Sen. Poe may banat sa NTC dahil sa mabagal na internet | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Natutulog sa pansitan': Sen. Poe may banat sa NTC dahil sa mabagal na internet

ABS-CBN News
Published Jul 29, 2020 03:07 PM PHT
|
Updated Jul 29, 2020 10:04 PM PHT

MAYNILA — Kinastigo ni Sen. Grace Poe nitong Miyerkoles ang National Telecommunications Commission (NTC) na aniya'y dapat ding sisihin sa palyadong internet service sa Pilipinas.

Sa isang panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Poe na hindi lang dapat telco ang binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, kundi pati ang NTC na namamahala sa mga ito.

"Iyung regulator natin, natutulog sa pansitan... [A]ng solusyon kasi talaga ay parehong implementasyon sa pribadong sektor at sa gobyerno mismo na ayusin ang proseso," ani Poe.

Maaalalang noong SONA ay binigyan ng ultimatum ni Duterte ang mga telecommunication providers para mapaganda ang kanilang serbisyo dahil kung hindi ay ipasasara niya ang mga ito.

Pero sabi ni Poe, na chairman ng Senate Committee on Public Services, maraming taon nang problema ang internet sa bansa pero hindi ito nagawang remedyuhan ng NTC.

Alam din daw ng NTC ang matagal nang reklamo ng telcos na pahirapang pagpapatayo ng cell sites dahil sa dami ng permits at umano'y pangingikil.

Sana daw ay may magbunyag ng mga nangyayari sa aktuwal na proseso ng pagpapatayo ng mga cell sites.

"Sana nga may lumantad na whistleblower, kaso duwag rin ang iba dahil hindi mo rin masisi sapagkat pagka lumabas sila, baka 'pag hindi naman na-follow up, mas lalo silang iipitin," ani Poe.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
Grace Poe
telco
Globe
Smart
SONA telco Duterte
Senador Grace Poe
State of the Nation Address
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT