'Hindi inutil ang Pilipino': Robredo naglatag ng mga konkretong tugon sa pandemya | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Hindi inutil ang Pilipino': Robredo naglatag ng mga konkretong tugon sa pandemya

'Hindi inutil ang Pilipino': Robredo naglatag ng mga konkretong tugon sa pandemya

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 29, 2020 09:11 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Naglatag ng mga konkretong tugon sa pandemya si Vice President Leni Robredo nitong Miyerkoles, dalawang araw matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, na pinuna ng mga kritiko "kulang" at "kapos" sa sustansiya.

Sa pamamagitan ng isang video message, nagbigay si Robredo ng mga rekomendasyon sa iba't ibang sangay ng pamahalaan kung paano umusad ang laban ng Pilipinas kontra COVID-19.

"Hindi mapipigil ang pandemya kung basta mag-aabang na lang tayo ng bakuna. Kailangang maampat ang pagkalat nito sa lalong madaling panahon. Nagsisimula ang lahat sa tamang datos, na pundasyon ng tamang desisyon," ani Robredo, na tila patama kay Duterte, na sinabi noong SONA na nasa paligid na lang ang bakuna kontra COVID-19.

Sabi pa ng bise presidente, alam ng pamahalaan ang dapat gawin at dapat itong kumilos nang mas mabilis.

ADVERTISEMENT

"Wala akong duda na mulat ang pamahalaan dito. Pero malaki ang krisis, at maraming dapat gawin, kaya kailangan nating lahat maging mas maliksi sa pagtukoy sa mga puwang, at maging mabilis at malikhain sa pagpuno nito."

Pinuntirya rin ni Robredo ang mga backlog ng Department of Health (DOH) sa pagkumpirma ng mga COVID-19 cases.

"Alamin kung bakit nagkaka-backlog, kung saang mga laboratoryo ito nagaganap, at tulungan silang makahabol. Sa ganitong paraan, on-time ding mahahabol ng mga contact tracers ang mga dapat pang i-test," aniya.

Sinabi rin ni Robredo na kailangan ng mas maayos na distribusyon ng social amelioration program (SAP), lalo na at problemado ang ilang local government units sa pagsasagawa nito sa unang tranche.

"Maraming mga LGU ang namroblema dahil kulang ang binigay sa kanilang slots. Kailangang gawing mas sistematiko ito; linisin ang government data, at patalasin ang isang central database para sa poverty statistics."

Kailangan ding tututukan ang maliliit na negosyo at agrikultura.

Binanggit din niya ang naging pagdurusa ng mga locally stranded individuals (LSI) na kailangan umuwi ng kani kanilang probinsya.

Aniya, hindi naman masama na mangarap na gawin ang mga hakbang na ipinatupad sa Taiwan, South Korea, Vietnam at New Zealand, na pinupuri dahil sa kanilang naging matagumpay na tugon kontra sa pandemya.

Ayon pa kay Robredo, malalampasan naman ng mga Pilipino ang COVID-19.

"Hindi inutil ang Pilipino, kundi may tapang at talino na humarap sa anumang hamon. Hindi talunan ang Pilipino. At tiyak na magtatagumpay tayo laban sa pandemyang ito. Uulitin ko: Kinaya na natin ang marami pang ibang hamon, at kakayanin natin ito."

Mapapanood ang buong mensahe ni Robredo dito:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.