#SONA2020: Kakulangan umano ng plano ni Duterte kontra pandemya pinuna | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
#SONA2020: Kakulangan umano ng plano ni Duterte kontra pandemya pinuna

ABS-CBN News
Published Jul 28, 2020 02:30 PM PHT
|
Updated Jul 28, 2020 07:55 PM PHT

MAYNILA — Pinuna ng ilang grupo ang nilalaman ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na anila’y kulang sa pagtalakay kung paano tutugunan ng pamahalaan ang pandemyang COVID-19.

Dismayado rin ang grupo ng mga health workers at medical frontliners sa SONA.

Para kay Alliance of Health Workers president Robert Mendoza, hindi man lang aniya kinilala ni Duterte ang mga medical frontliner na nagsakripisyo sa harap ng pandemya.

"Wala man lang pagbanggit at pagkilala sa mga health workers at medical frontliners na syang nagsasakripisyo sa harap nitong pandemya sa COVID-19," ani Mendoza.

"Walang mga konkretong nabanggit kung paano susulusyunan ang lumalang krisis sa pandemya ng COVID," dagdag ni Mendoza.

Ayon kay Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) secretary general Renato Reyes, Jr., sa halip na plano laban sa COVID-19 pandemic ay puro distraction at diversion lang ang binigay umano ng Pangulo mula sa pag-takeover ng telcos at sa pagbuhay sa death penalty.

Nadismaya naman ang Kilusang Mayo Uno sa anila’y kawalan ng balak ng gobyerno sa pagpapaunlad ng agrikultura at sariling industriya ng bansa.

Nagtaka rin si Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo dahil walang nabanggit tungkol sa food security ng bansa.

Sa kaniyang ika-5 SONA noong Lunes, sumentro sa mga programa kontra COVID-19 ang unang bahagi pero kalaunan ay binananatan din niya ang iba't ibang umano'y oligarkiya tulad daw ng pamilya Lopez at iba pang kritiko ng kaniyang administrasyon.

Para sa mga kongresista ng Makabayan bloc, maliwanag sa SONA ni Duterte na siya talaga ang dahilan kaya’t napatay ang prangkisa ng ABS-CBN.

"Malinaw na hindi neutral si Duterte sa ABS-CBN shutdown. Sinunod ng kaalyado sa Congress," ani Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.

Pinuna naman ng ilang kongresista sa oposisyon ang kakulangan umano ng tugon pagdating ng COVID-19 pandemic.

"There was no coherent state of the nation in his speech. He was just rambling. Walang sinabi si President na malinaw how we will address this health crisis and the economic crisis," ani Sen. Risa Hontiveros.

Dumepensa naman ang tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque sa mga puna tungkol sa SONA.

"Siguro po bingi sila, pero nakita ko po yun, nandyan po ang Tax Reform Act, nandyan po ang Part 2 ng Bayanihan To Heal as One Act, at nandyan po ang stimulus package. At nandyan po ang pasalamat ng Presidente sa ating IATF, sa ating frontliners, at lahat po na nagbibigay ng pagkain sa siyudad habang meron tayong COVID-19," ani Roque.

Giit pa ni Roque na iba na ang format ngayong ng SONA at ang lahat ng mga programa ay napag-usapan na ng iba't ibang ahensiya bago pa ang talumpati ni Duterte.

May ilang mambabatas, gaya ni Senate President Tito Sotto, na suportado ang mga nabanggit ni Duterte sa SONA, partikular na sa banta nito sa mga telco.

"If I were the telcos I will take the threat of the President seriously," ani Sotto.

Maaalalang sinabi ni Duterte sa Smart at Globe na kailangan nilang pagandahin pa ang kanilang mga serbisyo bago matapos ang Disyembre.

"Kindly improve the services before December. I want to call Jesus Christ in Bethlehem, better have that line cleared... If you are not ready to improve, I might just as well close all of you and we revert back to the line telephone at kukunin ko 'yan expropriate ko sa gobyerno," sabi ni Duterte sa kaniyang SONA. — May ulat nina Raya Capulong, Abner Mercado at RG Cruz, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
COVID-19
SONA 2020
Rodrigo Duterte
SONA2020
Duterte SONA
Duterte SONA 2020
SONA COVID-19
new normal
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT