Barangay official ng Shariff Aguak pinaulanan ng bala sa tapat ng botika | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barangay official ng Shariff Aguak pinaulanan ng bala sa tapat ng botika

Barangay official ng Shariff Aguak pinaulanan ng bala sa tapat ng botika

ABS-CBN News

Clipboard

SHARIFF AGUAK, Maguindanao — Patay ang isang barangay treasurer sa bayan na ito noong Martes ng umaga matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kinilala ang biktima na si Mahadir Simpal na barangay treasurer ng Barangay Malingao.

Base sa imbestigasyon, naganap ang pamamaril sa tapat ng isang botika sa Barangay Poblacion, Mother ng Bayan.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na agad dinala sa ospital pero idineklarang dead on arrival, ayon sa report.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo at mga taong sangkot sa krimen. —Ulat ni Arianne Apatan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.