Buhawi nanalasa sa Magalang, Pampanga | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Buhawi nanalasa sa Magalang, Pampanga

Buhawi nanalasa sa Magalang, Pampanga

Gracie Rutao,

ABS-CBN News

Clipboard

MAGALANG, Pampanga - Nasira ang isang paaralan at ilang bahay sa bayan ng Magalang sa Pampanga matapos daanan ng isang buhawi Lunes ng hapon.

Sa bidyong kuha ni Emjay Guintu, estudyante ng Magalang Institute, makikita ang nagpapanic na mga estudyante. Maririnig rin ang malakas na bugso ng hangin at ilang saglit pa, nabasa at nasira na ang mga gamit sa silid-aralan na nasa ikalawang palapag ng kanilang gusali.

"Narinig na lang po namin pumuputok tapos kidlat na malakas tapos 'yung mga bubungan po nagliparan na po," ayon sa estudyanteng si Frances Limjap.

Kita rin sa isa pang video kung paano liparin ng hangin ang mga bubong at kisame sa isang gusali.

ADVERTISEMENT

Bukod sa paaralan, may ilang bahay rin na nasira sa buhawi.

Ang bahay ni Flor Muñoz, natuklap ang bubong. Nabasa rin ang lahat ng kaniyang gamit at natumba ang mga puno at halaman sa kanilang bakuran.

Ayon sa PAGASA, normal ang buhawi tuwing may mga thunderstowms.

"Convection ng init at saka lamig na hangin nagkaroon ng sirkulasyon parang maliit na bagyo... Kasi ang thunderstom clouds ang kasama niyan pwedeng magkaroon ng buhaw o ipo-ipo pwede ring magkaroon ng pag-ulan ng yelo diyan nanggagaling 'yun, malakas na ulan at malakas na hangin," paliwanag ni Manuel Esguerra, Jr., chief meteorological officer ng PAGASA-Clark.

Ayon naman sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, patuloy pa ang kanilang assessment sa insidente.

Inaalam rin kung ilan ang lahat ng nadamay na bahay at kung may mga nasaktan sa insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.