Pasay City General Hospital puno na sa non-COVID cases | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pasay City General Hospital puno na sa non-COVID cases

Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Jul 28, 2022 03:18 PM PHT
|
Updated Jul 28, 2022 05:03 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Umabot na sa full capacity ang mga ward ng Pasay City General Hospital (PCGH) kasunod ng pagdagsa ng mga non-COVID patients, ayon sa pamunuan ng ospital.

Ayon kay PCGH officer-in-charge John Victor de Gracia, puno na ang medical and surgery clean wards, medical and pedia transition wards, at mga kama sa emergency room mula nitong Miyerkoles.

“Dahil sa dagsaan po ngayon ang kaso ng mga stroke, ng mga inaatake sa puso, ‘yung mga dengue sa mga bata po natin, kaya napupuno na po ‘yung mga transition wards natin,” ani de Gracia.

“‘Yung mga surgical cases namin ngayon, dumadami na rin kasi tumatanggap na po kami ng mga elective surgical procedures ngayon, kaya nauubos na. Ganon din ang aming OB wards. So marami nang nanganganak,” dagdag niya.

Ayon kay de Gracia, lumagpas na rin sa 20 ang nasa admission waiting list ng emergency room, habang limitado rin ang mga health worker doon.

Nilinaw ni de Gracia na mababa naman ang mga kaso ng COVID-19 sa ospital. Apat sa 24 kama ang okupado.

May anim naman na kaso ng dengue sa ospital.

“Kaya naman po kami nag-declare nito ay para din po sa kapakanan nila dahil hindi ho appropriate ‘yung emergency room natin para doon sila manatili habang naghihintay ng admission,” sabi ni de Gracia.

Kabilang sa mga pasyente ng PCGH ay si Laurence Felicilda na nagpa-opera ng ugat.

Aniya, sinamantala niya ang panahon ngayon na mababa ang mga kaso ng COVID-19 sa ospital.

“Eh, kasi dapat nu’ng mga time pa ng mga pandemic [ako magpapa-opera],” ani Felicilda. “Mas mabilis ngayon kasi wala nang mga COVID.”

DENGUE
Samantala sa Imus, Cavite, aminado si Mayor Alex Advincula na lalong nakapagpabagal ng pagbabakuna kontra COVID-19 ang pagdami ng mga kaso ng dengue.

“Mabagal kasi abala yung ating mga health workers kasi may sumasabay na dengue. Doon kami natatakot na tumataas din ‘yung dengue. So, dati ang focus namin ay doon lang sa COVID. But ngayon nahahati na ang pwersa natin sa dengue,” ani Advincula.

Parehas ang nakikitang hamon ng Department of Health (DOH).

“Actually, kasi ang dengue at ang COVID, parehong may fever as a symptom niya. So, kaya medyo challenging in a way na kapag nakikita ngayon sa ating mga health facilities, kailangan nagkakaroon ng mga dagdag na katanungan at pagsusuri kaya pinatitingnan na rin ang dugo para malaman kung dengue o hindi, or kung COVID o hindi,” ani Ariel Valencia, regional director ng DOH-Calabarzon.

IBA PANG ULAT
Read More:
Pasay City General Hospital
John Victor de Gracia
Tagalog news
Pasay City
health capacity
hospital capacity
health
hospital beds
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT