Bodega ng hardware sa Makati City, nasunog

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2020 02:13 PM | Updated as of Jul 28 2020 02:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Umabot sa ikawalang alarma ang sunog na tumupok sa bodega ng isang hardware sa Makati City, Martes ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Makati, pasado alas-10:30 ng umaga nang magsimula ang apoy sa bodega ng Khingchok Trading na nasa kanto ng P. Ocampo at Rivera Street.

Tumulong sa pagresponde sa lugar ang may 10 truck ng bumbero kaya agad itong nailagay sa fire under control alas-11:14 ng umaga. 

Isa sa tinitingnan dahilan ng sunog ay electrical overload.

Wala namang nasaktan sa sunog habang inaalam pa ng awtoridad ang halaga ng pinsalang dulot sa ari-arian.