'Bakit kami nadamay?' Mga may-ari ng lotto outlets pumalag sa utos ni Duterte vs PCSO

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Bakit kami nadamay?' Mga may-ari ng lotto outlets pumalag sa utos ni Duterte vs PCSO

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 28, 2019 06:21 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Umalma ang ilang may-ari ng lotto outlets matapos ipasara ng mga pulis noong Sabado ang kanilang mga puwesto, alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang lahat ng sugal at gaming operations sa ilalim ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Isa sa mga nagulantang ang ginang na si Marilen Comandao, na operator ng isang lotto outlet.

Aniya, alas-7 pa lang ng umaga noong Sabado ay nag-offline na ang system sa lotto outlet niya at laking-gulat niya nang biglang may mga dumating na pulis.

Doon na lamang niya nalamang pinasasara na pala ng Pangulo ang lahat ng lotto outlets.

ADVERTISEMENT

Namumroblema tuloy siya sa pasuweldo at kung paano mababawi ang inabonong P45,000 sa negosyo noong Huwebes.

"Iyung employee namin is a single mom, wala na siyang trabaho... Hindi naman kami may kasalanan bakit kami pinaparusahan? Sana kung sino may kasalanan, sila parusahan," giit ni Comandao.

Umaaray din si Neil Hoseña, na nasa P600 kada araw na lang din ang kita sa negosyo sa lotto, mawawala pa.

"Bakit pati operation nadamay? Kung may corruption, sana 'yung mga tao na lang dun sa loob ang suspendihin, kasi nadamay kami, kabuhayan namin wala na kami kinikita," ani Hoseña.

Saktong tumama naman sa lotto ng P2,000 si Cindy Paborada noong Biyernes ng gabi pero hindi pa niya tuloy makuha ang pera.

ADVERTISEMENT

"Pangit 'yung ginawa niya... Siyempre di naman madali kumita ng pera, nagbabakasakali lang din," aniya.

Para kay Justice Sec. Menardo Guevarra, dapat maituro muna ang mga nasa likod ng tinutukoy na anomalya bago magbalik-normal ang gaming operations.

"I believe that until this investigation is completed and people responsible for cheating the government have been unmasked, PCSO gaming operations such as lotto and STL (Small Town Lottery), which are otherwise legal, may not resume," aniya.

Sa datos ng Philippine National Police, may kabuuang 21,173 outlets nationwide ng lotto, STL, Peryahan ng Bayan, at Keno Lotto ang ipinasara simula Sabado. —Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.