Mahigit 100 bahay nasunog sa Butuan

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Jul 28 2018 04:53 PM | Updated as of Jul 28 2018 04:54 PM

BUTUAN CITY, Agusan Del Norte - Nasunog ang mahigit 100 na bahay dito sa lungsod, Sabado.

Ayon sa Butuan City Fire Station, nagsimula ang sunog sa Barangay Obrero bandang 12:20 ng tanghali at mabilis na kumalat ang apoy dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa light materials.

Mahigit isang oras bago tuluyang napatay ang apoy dahil nahirapang pumasok ang mga truck ng bumbero sa makikitid na mga kalsada sa naturang lugar.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog pero ayon sa ilang residente, mayroong mga batang naglalaro ng apoy bago maganap ang insidente.

Hindi pa natutukoy ng mga bombero kung magkano ang halaga ng mga ari-arian na natupok ng apoy.

Pansamantala munang ipinatuloy ang mga apektadong residente sa barangay covered court.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.