2 nalunod sa Pampanga creek | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 nalunod sa Pampanga creek
2 nalunod sa Pampanga creek
ABS-CBN News
Published Jul 28, 2018 03:48 PM PHT
|
Updated Oct 27, 2019 06:20 PM PHT

Patay ang dalawang magkaibigan matapos malunod sa isang creek sa bayan ng Macabebe, Pampanga, Biyernes.

Alas-11 ng umaga nang magkaayaan ang dalawa, may edad 16 at 19, na mangisda sa creek malapit sa floodgate ng Barangay San Vicente, ayon sa kaanak ng isa sa mga nasawi.

Kalaunan ay humingi ng saklolo sa barangay ang isang batang kasama ng dalawa sa creek matapos umano sila sumisid at hindi na umahon.

Bandang alas-6 at alas-7 ng gabi nang maiahon ng mga residente at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang bangkay ng dalawa.

ADVERTISEMENT
Isinara na ng mga awtoridad ang naturang lugar at ipinagbawal ang pagsisid doon.

-- Ulat ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News