Erap, nag-sorry sa 'gimik' na pagtapon ng basura para sa Manila Bay cleanup | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Erap, nag-sorry sa 'gimik' na pagtapon ng basura para sa Manila Bay cleanup

ABS-CBN News
Published Jul 28, 2017 08:09 PM PHT
|
Updated Jul 29, 2017 02:57 AM PHT

MANILA- Inamin ni Manila Mayor Joseph Estrada na maling "gimik" ang pagkakalat ng basura para lamang linisin muli bilang bahagi ng Manila Bay cleanup drive ng lokal na gobyerno.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, humingi ng paumanhin si Estrada sa insidente at iginiit na seryoso ang kanyang layunin na linisin ang mga nagkalat na basura sa Manila Bay.

"Inaamin natin na ang gimik ng pagtatapon ng basura sa Manila Bay para sa isang magandang programa ng paglilinis ay masasabing hindi angkop, subalit gusto nating ipaabot sa lahat na inaako ko ang naging pagkakamali sa paraan na ginawa ng aming mga kasamahan sa city hall," aniya.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Estrada na "for publicity" ang pagkakalat ng basura para sa isang photo opportunity.

Nakasakay noon ang alkalde at iba pang opisyal sa bangka at, imbes na puntahan ang mga parte ng Manila Bay na marumi, isang babae mula sa city hall ang nagtapon ng isang sakong basura malapit sa kanila.

Isang lalaking nasa tubig naman ang naglapit ng basura sa bangka na sinasakyan ni Estrada, na siya namang dumakot ng kalat gamit ang isang scoop net.

Paliwanag ng alkalde, normal naman daw na bigyang-diin ang isang programa ng gobyerno upang mas maunawaan ng publiko, ngunit inamin niya rin na "hindi katanggap-tangap ang nangyari."

"Hindi naman ito (cleanup drive) minsan lang natin ginawa bagkus ay naging bahagi na ng ating programa ang paglilinis ng lungsod dahil hindi naman maikakaila kung anong sitwasyon ang ating inabutan," aniya.

"Naninindigan ako na mali ang pagkakalat ng basura saan mang lugar o sa mga katubigan at ito ay pamantayan natin sa pamamahala mula pa nang tayo ay maging lingkod-bayan," dagdag pa ng dating pangulo.

Nagpatawag na rin umano ng imbestigasyon si Estrada ukol sa "maling paraan ng programa ng paglilinis sa Manila Bay" at nangakong ilalahad ang resulta ng imbestigasyon sa publiko.