Bilang ng semilya ng kalalakihan mula sa ilang bahagi ng mundo, pababa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bilang ng semilya ng kalalakihan mula sa ilang bahagi ng mundo, pababa

Bilang ng semilya ng kalalakihan mula sa ilang bahagi ng mundo, pababa

ABS-CBN News

Clipboard

Bumababa ang 'sperm count' o bilang ng semilya sa mga lalaki mula sa Amerika, Europa, Australia, at New Zealand nang mahigit 50% sa loob ng halos 40 taon, ayon sa mga mananaliksik nitong Martes.

Dagdag pa nila, hindi rin bumabagal ang pagbabang ito sa bilang ng semilya. Ibig sabihin, maaaring bumaba pa ang potensiyal na magkaanak ang mga lalaki.

Hindi nabanggit ng pag-aaral ang rason sa pangyayaring ito, ngunit dati nang iniuugnay ang pagbaba ng bilang ng semilya sa paninigarilyo, stress, labis na timbang, at pagkakalantad sa mga kemikal at pestisidyo.

Ipinahihiwatig nito na maaaring may kinalaman ang modernong pamumuhay sa kalusugan ng mga lalaki, ayon sa mga mananaliksik.

ADVERTISEMENT

Sa ginawang pag-aaral ni Hagai Levine ng Hebrew University-Hadassah Braun School of Public Health and Community Medicine sa Jerusalem at ng iba pang eksperto mula Estados Unidos, Brazil, Denmark, Isral, at Spain, lumabas na may higit 52.4% na pagbaba sa 'sperm count/ sperm concentration' o ang dami ng semilya, at 59.3% namang pagbaba sa total sperm count o ang 'sperm count' kada millilitro sa mga lalaking mula sa North America, Europa, Australia, at New Zealand.

Sa kabilang banda, wala namang nakitang pagbaba ng bilang ng semilya sa mga taga-South America, Asya, at Africa. Ngunit, binanggit ng mga mananaliksik na mas kaunti ang isinagawang pag-aaral sa mga nasabing lugar.

Binusisi nila ang may 185 na dati nang pag-aaral tungkol sa bilang ng semilya noong 1973 hanggang 2011. Inilathala ang pag-aaral sa Human Reproduction Update journal.

Panawagan umano ito sa mga awtoridad at iba pang mananaliksik na imbestigahan kung bakit nangyayari ang pagbaba ng bilang ng semilya sa mga lalaki, ayon kay Levine.

Ilang pag-aaral na ukol sa pagbaba ng bilang ng semilya ang iniulat noong dekada '90, ngunit marami ang kumukuwestiyon sa mga iyon dahil hindi binibigyang-pansin noon ang mga konsiderasyong gaya ng edad, pagiging aktibo sa pakikipagtalik, at tipo ng lalaking kasali.

-- Ulat mula sa Reuters

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.