13 barangay sa Abulug, Cagayan nalubog sa baha; halos 8,000 inilikas | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
13 barangay sa Abulug, Cagayan nalubog sa baha; halos 8,000 inilikas

Kevin Alabaso,
ABS-CBN News
Published Jul 27, 2023 06:52 PM PHT
|
Updated Jul 27, 2023 07:11 PM PHT

ABULUG, Cagayan — Aabot sa 13 barangay sa bayan na ito ang nalubog sa baha matapos nito maranasan ang hagupit ng bagyong Egay nitong Huwebes, Hulyo 27.

Isa sa mga apektado ang Barangay Libertad kung saan karamihan ng mga purok ay bubong na lang ang kita.

"Damit lang naisalba namin... Mabilis pumasok 'yung tubig e. Noong una malakas lang hangin at ulan, pero maya-maya biglang nasa tuhod na namin yung baha," sabi ni Fe Damuan, residente sa Purok Sinamar ng Barangay Libertad sa ABS-CBN News.

Aniya, pansamantala silang nanunuluyan sa kaniyang biyenan sa mas mataas na lugar.

ADVERTISEMENT
"Huling nangyari 'to sa amin noong mga nakaraang taon pa. Kaya talagang nagulat kami kasi biglang ang bilis n pagtaas ng baha," aniya.

Nang tanungin kung bakit hindi siya sumama sa evacuation center sa kanilang munisipyo, sinabi niyang, "Mas mahirap ang buhay doon at baka wala" na umano silang mabalikan.

"Mahirap doon e. Pipila ka para sa pira-pirasong pagkain, tabi-tabi kayo ng mga 'di mo alam kung may sakit na ba... baka mamaya doon pa kami magka-COVID," aniya.

"Damit lang nadala namin. Baka kung sumama kami sa evacuation, pagbalik namin nalimas na mga gamit namin," dagdag niya.

Ayon sa lokal na MDRRMO ng Abulug, Cagayan, halos 8,000 indibidwal na ang nailikas nila sa buong Abulug.

"Ang opisyal na bilang ng mga nailikas namin ay 7,882 na indibidwal... as of ngayong alas-2 ng hapon ngayong Hulyo 27, nakapamahagi na rin tayo ng halos 700 na relief goods sa iba't ibang barangay," ani Krezelle Angela Dulin, OIC ng MDRRMO sa Abulug, Cagayan.

Ayon kay Dulin, kahit ang mga hindi lumikas ay pamamahagian pa rin nila ng tulong lalo na't nasalanta rin naman sila.

Ngunit kasabay nito, hirap din umano silang abutin ang ilang mga residenteng hindi lumikas dahil hindi pa rin madaanan ang ilang kalsada dahil sa rumaragasang baha.

"Noong Tuesday (Hulyo 25) pa po kasi nagsimula 'yung malakas na ulan dito sa Abulug pero 'yung iba hindi agad tumaas at mayroon din naman mabilis na tumaas agad. Kaya 'yung iba parang nakulong kasi yung mga nasa paligid niya na lugar binaha na pero sila hindi pa," ani Dulin.

Dagdag pa niya, may mga lugar na nananatiling lubog sa lampas dalawang palapag na lalim ng baha habang ang iba naman ay unti-unti nang humuhupa.

Read More:
weather
weather updates
weather latest
weather news
weather Philippines
PAGASA
bagyo
typhoon
Egay
Cagayan
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT