PatrolPH

2 sangkot umano sa investment scam sa Davao del Sur, tiklo

ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2021 03:09 AM

Arestado sa Davao del Sur ang dalawang sangkot umano sa operasyon ng illegal investment scheme.

Tiklo ang isang 25 anyos na babae at 45 anyos na lalaki sa Barangay Zone 2, Sta. Cruz, Davao Del Sur Linggo ng hapon.

Mismong mga pulis ang nagpanggap na mag-invest sa Universal Church Beatus Told, kung saan miyembro ang dalawang nahuli.

Agad hinuli ang dalawa matapos makatanggap ng pera sa transaksyon.

Patuloy na iniimbestigahan ang sistema ng nasabing investment scam.

Nasa kustodiya na ng Santa Cruz Police ang mga suspek at nahaharap sa kasong estafa.


- ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.