Menor de edad na inakusahang magnanakaw, inihagis sa sapa sa Cebu

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2018 01:13 AM

Inihagis sa sapa sa Cebu City ang isang menor de edad na inakusahan ng pagnanakaw para hindi umano mabugbog ng mga residente. ABS-CBN News

Nag-viral ang isang video kung saan inihagis sa sapa ang isang menor de edad na umano'y magnanakaw sa Barangay Tejero, Cebu City.

Ayok kay Sherwin Obsequias, isang residente, nahuli ang menor de edad sa pagnanakaw ng manok at aso.

Makikita sa video na pagkatapos mahuli ang bata, sinaktan ito ng mga residente.

Ani Obsequias, para matigil ang pananakit ay dinala niya ang menor de edad sa may sapa at itinulak ito.

Hindi na nila pinahuli sa pulisya ang bata at hindi rin nila ito pina-blotter.

Noong Marso pa nangyari ang insidente, ayon kay Obsequias.

Ayon sa pulisya, marami nang record ang menor de edad sa kasong robbery.

Ang bata ay kasalukuyang naka-detine sa Second Chance Facility sa Cebu City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.