Ilabas ang bangka: 'Gorio,' habagat nagpabaha sa Metro Manila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilabas ang bangka: 'Gorio,' habagat nagpabaha sa Metro Manila

ABS-CBN News
Published Jul 27, 2017 02:54 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MAYNILA - Lubog sa baha ang ilang kalye sa Metro Manila at mga karatig probinsya dahil sa tuloy-tuloy na ulang dala ng pinagsamang habagat at bagyong Gorio, Huwebes ng umaga.

Sa isang kalye sa Roxas District sa Quezon City, gumagamit na ng bangka ang mga residenteng gustong umalis sa lugar dahil sa abot-dibdib na baha.

PANOORIN: Baha sa Roxas District QC, abot dibdib na. pic.twitter.com/1TyNqWimag
— robert mano (@robertmanodzmm) July 27, 2017

Ganito rin ang sitwasyon sa A. Fernando Street sa Valenzuela City, kung saan pinagbigkis-bigkis na dram ang ginawang bangka ng mga residente. May rescue team na ring umantabay sa lugar.

Sitwasyon sa loob ng A.Fernando Street kung saan hanggang dibdib ang tubig baha @DZMMTeleRadyo @ABSCBNNews pic.twitter.com/iky1pmu7pK
— jeck batallones (@jeck_batallones) July 27, 2017

Rescue team ng Valenzuela City patungong A. Fernando street @ABSCBNNews @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/YsFd9HbO8p

May ginang pang 8 buwang buntis pang isinakay sa "improvised" na bangka para lang ito ay makalikas.
May ginang pang 8 buwang buntis pang isinakay sa "improvised" na bangka para lang ito ay makalikas.
ADVERTISEMENT
8-buwang buntis na ginang, lumikas sa A. Fernando dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig-baha pic.twitter.com/maqbvuUX0v | @jeck_batallones
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) July 27, 2017

Sa Riverside Street naman sa Potrero, Malabon, ginawang swimming pool ng ilang bata ang abot-dibdib na baha kahit pa maraming basurang lumulutang-lutang.

Hanggang dibdib na baha sa Riverside Street, Potrero Malabon @DZMMTeleRadyo @ABSCBNNews pic.twitter.com/hlL5EyLPYW
— jeck batallones (@jeck_batallones) July 27, 2017
Hanggang dibdib na baha sa Riverside Street, Potrero Malabon @DZMMTeleRadyo @ABSCBNNews pic.twitter.com/hlL5EyLPYW
— jeck batallones (@jeck_batallones) July 27, 2017
May mga bata ring nagtatampisaw sa baha sa West Riverside, Barangay Del Monte, Quezon City, at sa Rizal Avenue sa Maynila.

Baha sa West Riverside, Brgy Del Monte sa Quezon City pic.twitter.com/1cnne3NZbO
— doland castro (@dolandcastro) July 27, 2017

Sa kabila ng peligro, ginagawang palaruan ng batang ito ang baha sa Rizal Ave.,Maynila pic.twitter.com/yGmqaD1ViM
— Dennis Cabral Datu (@Dennis_Datu) July 27, 2017

Samantala, baha na rin sa España Boulevard sa Maynila, mula sa Quintos hanggang Antipolo Street, gayundin hirap nang dumaan ang ilang sasakyan sa Dela Fuente Street.

ESPAÑA Quintos to Antipolo Street pic.twitter.com/bXyZBPxPnw
— zyann ambrosio (@ZyannAmbrosio) July 27, 2017

España corner Dela fuente pic.twitter.com/jrYIyIu7v6

Gasoline station along Laonglaan corner alfonso pic.twitter.com/CwAX2kNYMy

Pinasok naman ng baha ang Masambong Elementary School sa Quezon City.

TINGNAN: Loob ng Masambong Elementary School sa Quezon City, binaha (📸 Elaine Flores) DZMMTeleRadyo #GorioPH pic.twitter.com/sp3ZAYkYLu
— Zhander Cayabyab (@zhandercayabyab) July 27, 2017

Nagbahagi rin ng mga larawan ng baha sa kani-kanilang lugar ang Bayan Patrollers mula Bulacan, Caloocan, Malabon, Antipolo hanggang Parañaque.

Una nang sinabi ng PAGASA na patuloy na pinalalakas ng bagyong Gorio ang habagat.

Kanselado na ang klase sa Metro Manila, gayundin sa mga karatig probinsiya, ngayong Huwebes. Narito ang buong listahan.

Sinuspende na rin ng Malakanyang ang trabaho sa mga opisina ng gobyerno ngayong araw dahil sa masamang panahon