Gus Abelgas, binalikan ang coverage ng Mt. Pinatubo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gus Abelgas, binalikan ang coverage ng Mt. Pinatubo

Gus Abelgas, binalikan ang coverage ng Mt. Pinatubo

ABS-CBN News

Clipboard

Ibinahagi ng tagapagbalita na si Gus Abelgas ang hindi niya malilimutang coverage para sa DZMM.

Ayon kay Abelgas, hindi niya malilimutan ang kanilang pag-antabay sa pagputok ng Bulkang Pinatubo.

Isinalaysay niya rin ang mga pagsubok na kanilang naranasan nang ganap nang pumutok ang Pinatubo kung saan hindi na nila alam kung ano ang kanilang kahihinatnan.

Bukod sa pagputok ng Pinatubo, inalala rin ni Gus Abelgas ang paghahatid niya ng balita noong panahon ng kudeta at lindol ng 1990.

ADVERTISEMENT

Nagsimula si Gus Abelgas maghatid ng balita taong 1987. Kilala ito sa kanyang palabas na "SOCO" na umeere din sa DZMM.

Samantala, ang DZMM 630 ay unang umere noong Hulyo 22, 1986.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.