Malawakang paglilinis kontra dengue, ikinasa sa Isabela | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Malawakang paglilinis kontra dengue, ikinasa sa Isabela

Malawakang paglilinis kontra dengue, ikinasa sa Isabela

Darlene Gemino Ballad,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 26, 2019 08:40 PM PHT

Clipboard

Nagtulong-tulong ang mga tagalalawigan ng Isabela para sa paglilinis ng kapaligiran laban sa lamok na may dalang dengue. Darlene Gemino Ballad, ABS-CBN News

Kinansela ang mga klase sa lalawigan ng Isabela para bigyang-daan ang malawakang paglilinis kontra dengue.

Ito’y matapos na umabot sa 2,583 ang bilang ng kaso ng dengue sa lalawigan mula Enero hanggang ngayong buwan ng Hulyo, ayon sa Provincial Health Office. Umabot naman sa 15 ang nasawi.

Pangunahing binabantayan ang Ilagan City.

“Almost 130 percent ang itinaas compared last year and it's alarming in the sense na continuous ang pagtaas,” sabi ni Provincial Health Officer II, Dr. Nelson Paguirigan.

ADVERTISEMENT

Nagkaniya-kaniyang linis ang mga residente ng kanilang mga bahay, eskuwelahan at ibang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok.

Nakiisa rin ang iba’t ibang pribadong ahensiya sa paglilinis.

Ang ilang construction worker naman ay tiniyak na malinis ang kanal.

Tumulong din maging mga sundalo sa paglilinis sa paligid ng emergency hospital sa Echague kung saan 8 ang naka-confine na may sakit na dengue.

“Epidemic na ang cases lalo na dito sa Echague at San Isidro. Virus ang dengue hindi kailangan ang antibiotic. Ang virus ang symptoms parang trangkaso…lagnat, inuubo, sumasakit ulo, tiyan at nagsusuka,” sabi ni Dr. Maylene Banan.

Kung makaranas ng sintomas, huwag daw basta uminom ng aspirin lalo na ang pag-inom ng halaman na tinatawag na tawa-tawa o pinakuluang dahon ng papaya.

"Sa mga patient na umiinom ng ganon ang complaint is abdonimal pain," dagdag ni Banan.

Ito na ang ikaanim na taon na ipinatutupad sa probinsiya ang malawakang paglilinis.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.