Ilang barangay sa San Jose, Occidental Mindoro binaha

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 04:58 AM

Jonathan Vega Magistrado, ABS-CBN News

OCCIDENTAL MINDORO—Binaha ang ilang barangay sa San Jose, Occidental Mindoro nitong Huwebes dahil sa malakas na buhos ng ulan dala ng habagat.

Ayon kay Gil Gendrano, municipal disaster risk reduction and management officer ng San Jose, nalubog sa baha ang Barangay Mangarin, Mapaya, Murtha at San Agustin.

Jonathan Vega Magistrado, ABS-CBN News

Sinuspinde rin ang klase sa lahat ng antas ng San Jose dahil sa ulan at pagbaha.

Jonathan Vega Magistrado, ABS-CBN News

Humingi naman ng tawad si Gendrano sa mga guro dahil hindi agad sila nakapagkansela ng klase.

"Medyo humingi nga ako ng pasensiya sa mga prinsipal natin dahil nawala 'yung contact number dito sa aming cellphone, pero ngayo na-retrieve ko na humingi kami sa district supervisor," aniya.—Ulat ni Jonathan Vega Magistrado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.