PatrolPH

Drug suspect patay sa umano'y engkuwentro sa Camarines Norte

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2021 12:38 PM

Drug suspect patay sa umano'y engkuwentro sa Camarines Norte 1
Retrato mula sa Bicol police

Patay ang isang drug suspect matapos mauwi umano sa barilan ang buy-bust operation sa Labo, Camarines Norte nitong Sabado.

Ayon sa Bicol police, nasa 25 gramo ng umano'y shabu na nagkakahalagang P150,000 ang binili ng pulis na nagpanggap na buyer sa nasawing suspek at kasamahan nito.

Pero bigla umanong nagpaputok ng baril ang suspek pagkatapos ng transaksiyon, kaya gumanti ang mga pulis na ikinasawi ng suspek.

Ang nasawing suspek ay kilala umanong drug dealer sa Rizal province pero nagtago sa Camarines Norte nang mamatay ang amo niya.

Nakatakas naman sakay ng kotse ang kasamahan ng nasawing suspek, na patuloy na tinutugos ng mga awtoridad.

— Ulat ni Jonathan Magistrado

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.